Nang Dahil sa Sticky Note
written by: PekengKyoot
I’m Mikaela Esteban, 16 years of age and senior highschool na ko dito sa DH Academy (Dream High Academy). Di po sya talent school.
“Hayyy … Prom na pala natin next week noh?” Ellyn said.
Nagk-kwentuhan muna kami. Wala pa kasi yung teacher namin eh. Pati si Luigi ko, wala pa. Haha. Maka-KO eh noh?
“Oo nga eh. Isasayaw kaya ako ni Daryl my loves? Ahihi.” Si Nerieza yan.
Dead na dead yan sa kaibigan ni Luigi my loves. Ahaha. Anyway,let me introduce him.
Si Luigi Gonzales ay ang aking long time crush slash first love ko. Well, he’s my seatmate eversince we were in 2nd year.
Pero nakakalungkot man sabihin, pero hanggang silay lang talaga ako sakanya. We’re like strangers. Nabubuhay lang ang diwa ko kapag kinakausap nya ko. And sobrang bihira pa mangyari yun ah.
“Wag kayo maingay! May nagde-day dream na naman dito. Hmp.” - Josielyn
I snapped back to reality.
Tinitigan ko sila ng masama tapos tinawanan lang nila ako .
“Hay nakoo~ Mika, Wag mo ng isipin yun! Mahal ka din nun!”- Genevieve
Sana nga tama si Gen.
Oh well, yang apat na yan ang aking mga baliw na kaibigan. Haha.
“Sino kaya first dance nating lima noh?” –ellyn
“Baket? Wala pa ba kayong First Dance? Eh diba sumama naman kayo nung 3rd year tayo?” sabi ko.
“Yeah right! Sumama nga kami. Pero ang daya mo naman kasi eh! Di ka sumama nung Prom last year.” –josielyn
“Oh? Anong konek?”
“ANONG KONEK HA? SYEMPRE GUSTO NAMIN SABAY-SABAY TAYONG LIMA MAGKAROON NG FIRST DANCE! PERO WALA KA NUN! DYAHE. KAHIT NIYAYA NA KO NI DARYL MY LOVES NUN PARA SUMAYAW TUMANGGI PA RIN AKO! GANYAN AKO KA-LOYAL SA FRIENDSHIP NATIN!!” sabi este sigaw ni Nerieza.
“Nerieza, oa na!” –genevieve
“Oa na ba?” –nerieza. Tinatanong pa ba yun? Haha.
“OO! SOBRA! Kaya tigilan mo na!” –genevieve.
Mga baliw talaga =___=
Maya-maya, dumating na yung adviser namin.
“Good Morning,class.” Mrs.Dilag
“Good Morning, Mrs.Dilag.” we greeted her.
Pina-upo na nya kami tapos binuksan na nya yung attendance nya.
Yung mga importanteng tao nalang yung babanggitin ko ah .
“Asuncion, Ellyn .”
“PRESENT !” kelangan talaga HIGH PITCH? Napaka-bungangera talaga.
“Abulencia, Nerieza Lianne”
“Present.”
“Bolaño, Genevieve .”
“Present.” Sabay inspect sa nail polish nya. TSK.
“Nicdao, Josielyn.”
“Present po!” Anak ni Mayor Jojo Nicdao yan ! haha.
Nagtataka ba kayo kung bakit magkakatabi sila? Mga batas daw kasi sila. Di nila sinusunod yung seating arrangement nung teacher namin.
Buti pa ko. Mabait na estudyante. Sinusunod si Ma’am. Hehe . Pero alam nyo na, kasi katabi ko si Luigi kaya payag ako sa seating arrangement thingy na yan. Whahahaha.
Blah blah blah blah …
“Esteban, Mikaela .”
“Present.”
“Gonzales, Luigi.”
I was about to say absent, but someone entered the classroom.
“Good morning, Ma’am. Good Morning, classmates. I’m sorry I’m late.”
“First time mo atang ma-late, Mr.Gonzales?”
“Sorry po, Ma’am. May pinagkaka-abalahan lang po kasi akong importante.”
Bigla naman sa’kin nagtinginan yung mga kaibigan ko. Nasa harapan kasi sila.
“Problema nyo?” tanong ko sakanila.
“Wala. Masama tumingin?” –Nerieza
“Alam ko maganda ako---------------”
“Uyyy .. may naririnig kayo?” – Ellyn
“Oo. Sabi, ang ganda talaga ni PekengKyoot.” Tapos tumingin na ulit sila sa harapan.
Nalaman ko nalang na naka-upo na pala sa tabi ko si Luigi.
Nakapatong kasi yung right arm ko sa desk ko, tapos pinatong din nya yung left arm nya sa desk ko. So magakadikit yung arms naming .
Kyaaaaaa ~
Kinikilig ako . HiHi.
“Girls, wait lang ah? Tumatawag si Peter eh.”-ellyn
“Oh sure. Take your time.” Sabi ni Gen tapos pumunta sila sa harapan. Nagpicture-picture dun sa teacher’s desk. Tsk.
Break time na kasi naming nayon. Nagtatanong ba kayo kung bakit ayoko maki-join sa pictorial ng mga yun? Well, Katabi ko pa rin kasi si Luigi eh. Naka-tungo sya sa desk nya. Natutulog ata.
Kaya naman ako, feel na feel ang makatabi sya. Haha.
Ano ba kasing pinagkaka-abalahan mong importante? Ha?
Eh wala ka namang dapat pa na pagka-abalahan kasi ….
Andito naman ako … muahahahhahah
Tinignan ko si Ellyn na abot na hanggang bunbunan yung ngiti habang may kausap sa cellphone. Si Nerieza, Genevieve at Josielyn naman, mga napi-feeling model.
Kinuha ko sa bag ko yung sticky note at ballpen sa bag ko .
Since never pa kong nagka-boyfriend, gagawa ako ng sign.
My first kiss ……. Will be my last kiss too <3
Signed by : Mikaela Esteban
Oha! Ansabe ?
Sana si Luigi yun. Haha.
“Tara na . Baba na tayo.”
“Ok.”
Andito na kami sa canteen at kasalukuyang lumalamon. Haha. Lamon talaga?
Teka nga. Ba’t parang may nakalimutan ako?
Dala ko naman yung cellphone ko. Yung wallet ko…….
O___________O
PATAY!!!!
Uminom muna ako ng juice saka tumayo.
“Anyare sayo?” –josielyn
“Y-yung note kasi ….”
“Anong note?” nerieza
“B-basta. Sige akyat na ko. Antayin ko nalang kayo sa classroom natin.”
Di ko na sila inantay na maka-sagot, tumakbo na agad ako papunta sa 2nd floor.
Naku… baka mabasa nya yung sign na nilagay ko sa sticky note.
Bakit ba kasi nakalimutan ko pa yun eh!
Argh . Nakakahiya! Baka mabasa nya yun.
Nakalagay pa naman yung pangalan ko dun.
Pagkarating ko sa classroom , si Luigi palang ang nandun.
Mukhang ang lalim ng iniisip.
Naglakad ako papunta sa arm chair ko ….at
Waaaah~ wala na yung note !!
Pero , teka….. may chocolate bar sa ibabaw ng desk ko.
“Uhm, Luigi…. Kanino ‘tong chocolate bar?”
“Nasa desk mo, so sayo.”
“Uhmmm… nakita mo ba kung kanino nanggaling ‘to?”
Umiling sya habang ang lalim ng tingin nya sa mga mata ko.
Naka-drugs ba ‘to ?
“Ah…eh, may nakita ka bang sticky note dito?
“Alin? Yung may love-sign at may signature mo pa?”
“O-oo! Ayun nga!” sabi ko na todo tango pa.
Yan na nga ba sinasabi ko eh. Nabasa na nya yun! Nakakahiya talaga!
“Hindi eh. Di ko nakita.”
Toinks. Sabay ganun?
Pero na-describe nya yung note na yun.
Tatanungin ko pa sana sya kaso biglang nag-sulputan yung mga kaibigan ko. Nagsisidatingan na rin yung iba naming classmate.
*PROM*
BLAH BLAH BLAH BLAH…
“…… We are now announce you the Prom King and Queen of this night ……. *drum rolls*
Mikaela Esteban and Luigi Gonzales. Kindly join us here on stage.” –emcee .
“Nice, Mika! Sabi na aba ikaw yung magiging Prom Queen e. Ganda mo talaga!” –ellyn
“Haha. Na-flattered naman ako.”
“Naks.. First dance nya si Luigi.” –josielyn
“Kung umakyat ka na kaya sa stage ?” –gen
“Haha . Eto na po.”
Umakyat na ko sa stage. Kinabitan nila ako ng sash pati korona.
“WHERE’S THE PROM KING?”
Aray naman! Naka-mic na nga, sumisigaw pa .(_ _)^^
“NASA GARDEN PO MAY----- TEKA LANG … TATAWAGIN KO LANG PO!!” sigaw nung lalaki .
After 5 minutes, dumating na rin si Luigi na hingal na hingal.
Nagpatugtog na ng romantic song yung DJ.
Ini-stretch nya yung kamay nya. Inabot ko naman, tapos inalalayan nya ko na makababa ng stage.
He put his arms around my waist and mine around his neck.
Naka-turn off yung lights. Sa’min lang nakatutok yung spot light.
Ganito pala yung feeling na makasayaw mo yung taong gusto mo.
Halos mamatay na ko sa kilig. Ahihihi :”>
“Di ka umattend last year?” tanong nya sakin.
Gosh. Super lapit na face nya against mine.
“Yup.”
“So, ako pala first dance mo?” he said then he smirked.
“Oo. Yabang neto. Haha. Ikaw?”
“Ikaw din.”
“Weh? Eh diba umattend ka last year?”
“Oo. Pero di ako nakipag-sayaw. May mga babae na nga na nagyayaya sa’kin, pero ayoko talaga eh.”
“Bakit naman?”
“asdfghjkl”
Ano daw? Di ko na narinig yung sasabihin nya.
Bigla ba naman sumigaw yung emcee sa MIC na pwede na daw magsayaw lahat !!
Nagpuntahan na sila sa dance floor together wiith their partner
Ganun pa rin yung position namin. Nasa waist ko yung arms nya habang nasa neck naman nya yung akin.
“Ahm. Punta na ‘ko sa table namin ng mga kaibigan ko.” Sabi ko sabay alis ng arms ko sa neck nya.
Nag-nod sya tapos inalis na din yung arms nya sa waist ko.
Pagkapunta ko sa table namin, walang nakaupo.
AS IN WALA! Nasaan naman kaya yung mga bruha kong kaibigan? Tsk >.<
Di ko na sila hinanap. Baka kasi mga nakikipagsayaw na yung mga yun eh.
Well, lalabas nalang muna ako. Naisayaw na naman na ko ng taong mahal ko eh. I’m contented enough. Haha :”>
Sa backdoor ako dumaan palabas ng gym. Paglabas mo, garden na.
Hanggang dito rinig na rinig pa rin yung music na nanggagaling sa loob, pero di na masyadong malakas.
Ano na kayang ginagawa ni Luigi ngayon?
Malamang may kasayaw na yun na iba.
Pero ok na rin yun. Atleast ako din yung First Dance nya. HiHi (>////<)
“Mikaela!”
Di pa ko gaanong nakaka-lingon para malaman kung sino yung tumawag sa’kin, may humila na sa’kin.
And it was Luigi.
“Oh, Luigi? Bakit mo hinila palayo si Mikaela?” sabi ni Joshua. Sya ata yung tumawag sa’kin kanina. And by the way, kaibigan din sya ni Luigi. Playboy yan eh.
“Pare, kaibigan kita. Alam ko na yang style na yan.” Sabi ni Luigi.
Gosh. Kinikilig ako! Hawak pa rin nya kasi yung arm ko eh. Wahahah~
“What style?”-Joshua
“Yung kapag nakatalikod yung babae, lalapit ka ng sobra, tapos tatawagin mo para kapag lumingon sila, mahalikan mo sila.”
“Nice one, dude. Eh ano naman sa’yo kung gawin ko yun kay Mikaela?”
“T&ngN*’ subukan mo lang gawin yun, baka makalimutan kong naging magkaibigan tayo.”-Luigi
Naramdaman ko nalang na lalong humigpit ang pagkaka-kapit sa’kin ni Luigi. Tapos kinaladkad nya ko sa side ng garden na madilim at tanging buwan lamang ang nagsisilbing ilaw. (Wew. Ang lalim. XDD)
“Luig-----”
Di na nya ko pinatapos magsalita, hinalikan na nya ko sa lips. OMO!
Eto na ba yung sign? Is he really my true love?
“Luigi…”
“Let me confess now, okay?”
Ano daw? Confess? Ano namang iko-confess nya? Yaayyy .. Eksayted na ko, Men! Haha.
“First year palang ako, na-love at first sight na ‘ko sa’yo nung nagsayaw kayo ng mga kaibigan mo nung Foundation Day ng school. Class B ka pa nun. T’wing nakikita kita, parang tumitigil yung mundo ko….. hahahaha. Sounds gay, but I don’t care. Kaya nung malapit na mag-end yung school year, I talked to my auntie.”
Tita nya po yung principal.
“Sinabi ko sakanya na ilipat ka sa Class A, para maging classmate kita. And dahil malakas ako kay Auntie, ginawa nga nya. Nung okay na yung mga sections, pumunta ‘ko dito sa school kahit summer vacation na para lang makita yung Master’s List. At dahil admirer mo ‘ko at hindi stalker, kasi sobrang gwapo ko…..”
Natawa naman daw ako dun. Pero hinayaan ko pa rin syang ipagpatuloy yung sinasabi nya.
“Kilala ko yung mga kaibigan mo. Kaya kinausap ko rin si Auntie. Sabi ko sakanya na isama din yung mga kaibigan mo sa Class A, para hindi ka naman malungkot. Yung mga students na dapat Class A, napunta tuloy sa Class B. Haha.”
“Actually, lagi akong late dahil sa pagpa-plano kung pa’no magko-confess sa’yo. Tapos everytime na akala mo natutulog ako……. Iniisip lang kita nun.”
Nu ba yan !!! For sure, nangangamatis na yung mukha kong maganda sa mga pinagsasasabi ng lalaking ‘to.
“Tapos nung lunch break, ilalagay ko yung chocolate bar sa desk mo kaso napansin ko ‘to…”
He paused then may kinuha sa pocket nya.
O____O
Yung…..Yung…
“Etong sticky note na may Love-sign. Napangiti nga ako nun kasi di na ko mahihirapan pang magplano on how to confess, kasi ikaw na mismo ang nagbigay sa’kin ng idea. Haha. So, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, alam ko naman na gusto mo rin ako eh. Sinabi sa’kin ng mga kaibigan mo.”
Toinks!
Manda kayo sa’kin mga BRUHA KAYOOOO~
Tumingin sya sa langit tapos may dinial sa phone nya.
Nang biglang…
*tooogggsshhhh*
*wushuuuuu*
[A/N: Sound effect yan ng firewoks. Walang kokontra ! ^__^]
“Mikaela Esteban,…..
Will you be my girlfriend?”
Naman oh ! Matagal ko ng PANGARAP to! Haha.
Ano pa bang isasagot ko?
“YES!!!”
“Y-yes?”
“Oo nga! Yes! As in OO!”
Lumapit sya sa’kin tapos binuhat ako sabay inikot-ikot.
“Congrats, dude.”-Joshua
O___O
“Diba….” Di pa ko tapos sa sasabihin ko, inunahan na ko ni Luigi.
“That’s part of my plan. Yung kunyareng mag-aaway kami ni Joshua kanina.”
“Baket naman may ganun pa?”
“Para may dahilan akong kaladkarin ka dito. Haha.”
“Sabi sa’yo eh… mahal ka din nyan… ahahahha.” Sabi ni Genevieve na papalapit sa’min.
Syempre kasama sila Ellyn, Nerieza at Josielyn.
Nung nakalapit na sila sa’min ng tuluyan…
“Aray naman!”- Ellyn
“Hey! You Ouch me!” -Nerieza
“Don’t mess with my hair!” - Genevieve
“Argh! That hurts..” -Josielyn
They all whined. Alam nyo kung baket?
Pinagbabatukan ko lang naman kasi sila isa-isa.
“MGA WALANGYA KAYO! Kaya pala di ko kayo mahanap kanina kasi kakuntsaba kayo ni Luigi. Binuko nyo pa ‘ko! Hmp.”
“Ayos lang yan. Ganda naman ng kinalabasan eh.” –Nerieza
“Oo nga naman. And thanks to the sticky Note.
Kasi NANG DAHIL SA STICKY NOTE, nakagawa ako ng Perfect plan.” –Luigi.
--- E N D **
Copyright © 2013 by PekengKyoot stories
All Rights Reserved
No part of this pages maybe reproduced or transmitted in any form or by means, electronic or mechanical including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without the permission written by the author, except where permitted by law.
Disclaimer: I don't own everything in this site (like graphics, etc.) except for my stories.