A love rain
"Yun oh! Day dream na naman sya kay Jharen!" Nang-aasar na sabi sa'kin ni Bluish.
Andito kami sa gym. Pinapanood ang mga napa-practice ng basketball. Pero syempre, na kay Jharen ang spotlight ng mga mata ko. 4rth year na ako ngayon ang ga-graduate na next week. And since 1st year ko pa sya crush.
Sino ba naman kasing hindi magkaka-gusto sa lalaking yan?
Ubod ng gwapo, talino, talented at higit sa lahat, napaka-gentleman.
Naalala ko na naman nung 1st year ako at tinulungan nya ko.
*** Flashback ***
Naglalakad ako mag-isa pauwi. Hindi ko kasabay si Bluish kasi kasabay na nya yung NEW BF nya. Yep. May pagka-playgirl yang bestfriend ko. Pero ayos lang sa'kin. Tanggap ko sya kahit ano man sya. Aist. Ang drama ko =___=
Back to story, habang naglalakad ako, nag-beep yung cellphone ko. May nagtext. So, kinuha ko yun sa loob ng bag ko. Then binasa. GM lang naman ng classmate ko pero binasa ko pa rin. Naglalakad ako habang binabasa, hanggang sa...
"OUTCH!!" Napasigaw ako nung madapa ako. Ang sakit >__<
"Lampa ka talaga, Matilda! Whahaha~ Lampa! Lampa!" Pinatid ako nung classmate kong bully na si Ivan.
Pareho kasi kami ng way pauwi. Siguro nung nakita nya ko, nakaisip na naman yan ng bully idea. ~__~
Umiiyak ako habang nakaluhod sa sakit. Sya naman, patuloy pa rin sa pagtawa. Nakahawak na nga sya sa tyan nya eh. May nakakatawa ba? Ha?
I stood up. Pero dahil sobrang sakit yet nanghihina ang tuhod ko, natumba ulit ako na syang dahilan para lalo syang matawa.
Humagulgol nalang ako. Paano na ako makakauwi? Kung nandyan si Bluish, malamang hindi ako mabu-bully.
*blaaaaggg*
Napatingin ako kay Ivan na ngayon ay nakasalampak na sa sahig.
"Wala kang kwentang lalaki! Bakla ka ba, huh? Bakit ka pumapatol sa babae?"
"*sob* J-Jharen.." Yan nalang ang nasabi ko.
Yes. I know him. Sikat kasi sya sa Genie Academy. Pero hindi ko pa sya nun gusto. Akala ko kasi kagaya sya ng ibang sikat sa Academy na mayayabang. Pero sa ipinakita nya sa'kin ngayon, nalaman kong maling-mali ang akala ko sakanya. Iba sya. Napaka-gentleman nya.
"Ssshhh. Tara na. Ihahatid na kita sainyo." Sabi nya, then carried like a bride.
Nakakahiya na nga eh, kasi humihikbi-hikbi ako. Habang tinatahak namin ang daan, biglang umulan ng malakas.
asdfghjkl.. Lahat ng tubig ulan, napunta na sa mukha ko.
Siguro napansin nya yun, kaya ibinaba nya muna ako saglit tapos tinanggal yung uniform nya. Ipinatong nya yun sa bandang mukha ko ng maayos (Para hindi matakpan yung nose ko at para makahinga ako, gets?). Saka nya ulit ako binuhat.
Bakit ganito? Ngayon ko lang sya nakasama, pero bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko?
Parang ayokong mahiwalay sya sa'kin. I felt secured in his arms.
Nung nakarating na kami sa bahay namin, si daddy ang nagbuhat sa'kin papuntang kwarto ko. Hindi manlang ako nakapag-thank you sakanya. Hindi ko rin alam kung paano nya nalaman kung sa'n ako nakatira.
Ang dami kong gustong sabihin at itanong sakanya that time, pero dahil shock ako, ni isa walang lumabas sa bibig ko. At ayun ang pinagsisisihan ko.
*** End of Flashback ***
"Hay naku, Friendship! Kung ako sa'yo, kakausapin ko nalang yan. Ang tagal mo na syang crush noh! Alam mo, minsan kailangan ang babae naman ang gumawa ng first move. Malay mo, natotorpe lang yan."
"Nahihiya ako eh."
"Tss. Bahala ka. Kapag ikaw naunahan ng iba. Tsk. Tsk."
"Hi, Babe." The guy said then gave Bluish a peck on her cheek.
"Oh. You're here na. By the way, he's Nerl. My new boyfriend. Pa'no ba yan? Una na kami, huh? Alam ko namang tutunawin mo pa ng tingin yang si Jharen eh. Bye!" Nag-cheek to cheek kami then umalis na sila.
After 5 minutes, nagtext sa'kin yung dad ko na umuwi ako ng maaga. Madami daw syang niluto at kailangan kumpleto kami sa dinner.
Tumayo na ako at tumingin ulit kay Jharen.
>///<
I blushed nung nahuli ko syang nakatingin sa'kin. Bigla naman syang umiwas ng tingin.
Sa'kin ba talaga sya nakatingin?
Tumingin ako sa likod ko, wala namang tao.
Haist. Di ko nalang pinansin. Nag-aasume na naman ako.
Masaya na akong umuwi ngayon. Bakit? Kasi hindi na ako binubully ni Ivan. Di ko rin alam kung bakit nangyari yun. Himala nga eh. Sabi pa naman nya sa'kin dati, ako daw pinakamasarap asarin.
At kapag minamalas ka nga naman oh-oh. Pagkalabas na pagkalabas ko ng schoolgate, bumuhos ba naman yung ulan?! Argh >.<
Kinukuha ko palang yung payong ko sa bag, basang-basa na ko.
At last, nakuha ko na. Ginamit ko pa rin yung payong kahit basa na naman ako. Syempre, baka mabasa ng tuluyan yung iba kong gamit.
Habang naglalakad ako, "Matilda! Matilda!"
Err. Bahala ka dyan! Alam ko naman na si Ivan lang yan eh. Baka na-miss nya ang pangbubully sa'kin? Yung last na binully nya kasi ako is nung pinagtanggol ako ni Jharen eh. Tapos, wala na. Di na nya ko binully. Masaya :)
Ganyan nya ako inisin. Para kapag lumingon ako, lalagyan nya ng charcoal yung ilong ko. Ganun magtrip yun eh.
"Matilda, wait!"
Ewan sa'yo! Nagdire-diretso ako sa paglalakad na parang hindi sya naririnig.
Naramdaman ko nalang na may humatak sa braso ko at iniharap sakanya.
"ANO BA IVA-----"
O___O
"Kanina pa kita tinatawag, ayaw mo lumingon."
"S-sorry. A-akala ko kasi ikaw si Ivan eh."
"Yung bully mong classmate?"
I nodded.
"Binalaan ko na yun na wag kang i-bully, ah! Humanda sa'kin yun."
"H-hindi. Hindi na nya ako binubully. Akala ko lang talaga..."
Naphinto ako sa pagsasalita. A-ano daw? Binalaan? WHY? I WANNA KNOW! MEHEHEHE~
"Wag ka na ngang magpayong!" Sabi nya tapos hinila yung payong ko at hinagis.
"Bakit naman? Kita mong umuulan eh!" Pupulutin ko na sana yung payong pero hinarangan nya ko. "Jharen! Mababasa yung gamit ko!"
"Tsk. Yun lang ba inaalala mo?" Kinuha nya sa'kin yung bag ko, tapos nagsimula na syang maglakad.
"Sa'n ka pupunta?" Sumunod ako sakanya, hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang black mercedes.
Binuksan nya yung pinto sa backseat, tapos nilagay dun yung gamit ko. Then, humarap na ulit sya sa'kin. "Yan! Wala ka ng aalalahanin pa. Wala ng mamabasa sa gamit mo. So, pwede ka ng magpabasa sa ulan. Well, basa ka na naman na eh."
"Bakit ba gusto mong magpabasa ako sa ulan, ha?"
"To make this rain......
a love rain."
"H-huh? Love rain? Bakit love?"
Ako lang naman yung may LOVE sa'yo eh!
Tumingala sya na para bang ine-enjoy yung ulan. "Di mo ba alam na dati pa kita gusto? Nahihiya lang akong lumapit sa'yo." He paused then humarap sa'kin. "Naalala mo pa ba yung araw na tinulungan kita dun sa bully mong classmate na si Ivan?"
"O-oo! Tandang-tanda ko yun!" He chuckled kasi todo tango pa ko habang sinasabi yan.
"Nung dinala ka nung daddy mo sa kwarto mo, kinausap ko sya. Sabi ko sakanya, I want to court you. Pumayag naman sya, pero---"
"P-pero?"
Takte! Di na 'ko makapag-antay! Muahahaha~
"Sa graduation na daw kita pwedeng ligawan. Mga bata pa daw kasi tayo nung mga panahong yun. He even challenged me if I could wait. Well, I gave him my promise that I can. Basta para sa'yo."
I bit my lowerlip para pigilan ang kilig ko! Waaa~
"Last month, kinausap ako ng Daddy mo without your knowledge. Sinabi nya na pwede na kitang ligawan dahil malapit na naman ang graduation natin. Tinanong nya rin kung mahal pa rin kita. And ofcourse, I say yes."
"M-mahal mo ko? Really?"
Huwaaaaa~ I can't believe this!
"Sobra."
"Eh, bakit hindi mo ko kinakausap eversince? We're like strangers kaya!"
"Eh kasi, baka masuway ko yung gusto ng dad mo eh. Baka kapag nilapitan kita even once, baka ligawan na agad kita."
>0< Gosh. Ang lamig na ng ulan! Woo~ Pero nag-iinit ang fes ko.
"I will court you now."
"Ayos ah? Statement talaga? Diba dapat, patanong?"
"Bakit pa ko magtatanong kung pwede kitang ligawan, eh payag naman ang parents mo. Besides, I'm pretty sure na YES ang isasagot mo."
"H-hoy! P-pa'no mo nasabi yan?"
"You like me. Bluish told me. Haha."
"Kaasar yun! Tsk."
"Tara na."
Hinawakan nya 'ko sa kamay at sabay naming tinahak ang daan papunta sa bahay namin. Kaya pala ako pinapauwi ni daddy ng maaga, kasi magsi-celebrate sila para kay Jharen. Botong-boto sila. Wahahahaha~
Akalain mo yun? We're like strangers, pero we're secretly inlove with each other pala. And then, BOOM!
After 1 week, kami na. Hehe. Sa graduation day ko na sya sasagutin. Haha. Ayoko ng patagalin pa! Grabe naman kasi yung pag-aantay na ginawa nya eh. I love you talaga, Jharen!
"I love you too, Matilda."
Ayt? Mind reader?
"Di ako mind reader."
HAHA. Adik.
Feel na feel namin ang moment habang naglalakad sa gitna ng ulan. Siguro sa iba, it's just an ordinary rain. But for me and Jharen....
this is what you called
A Love Rain <3
|
Click to set custom HTML
|
Copyright © 2013 by PekengKyoot stories
All Rights Reserved
No part of this pages maybe reproduced or transmitted in any form or by means, electronic or mechanical including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without the permission written by the author, except where permitted by law.
Disclaimer: I don't own everything in this site (like graphics, etc.) except for my stories.